Alexander C. de Juan hay nangin vice-chair it ALC ag editorial staff it Bueabod, the literary journal of Aklanon Literary Circle. Nagdaog imaw it first prize sa NCCA All-West-Visayan Poetry Competition. Nangin fellow imaw sa 23rd UP National Writers Workshop. Ra binaeabay nga Bakit si Xela ay Nagdighay Pagkatapos Mag-Inom ng Coke hay isaea sa mga mayad nga binaeaybay nga ginpili ni Isagani Cruz’s Critic’s Choice (April, 1994) Starweek. Nag-obra anay si Alex sa University Press it De la Salle University bag-o imaw nagbalik sa Kalibo. Nagtuon man imaw it master’s degree sa UP Diliman. Sa Kalibo imaw natawo ag nagtapos ku ana nga B.A. Literature sa UP in the Visayas, Miag-ao, Iloilo. Makaron hay nagaturo imaw sa STI Kalibo.
Ro Mga Kitikiti Sa Benditado Nga Tubi
Padayon do pagsautsaot
It mga kitikiti sa benditado nga tubi
Sa sueod it simbahan,
Nga nagtunga
Sa pagsawsaw it mga tawo
Ku andang mga tudlo
Nga mahigko.
Padayon do pagsawsaw
It mga tawo ku andang mga tudlo
Nga mahigko
Sa benditado nga tubi,
Nga nanging mahigko
Hasta ro benditado nga tubi
Hay naastan.
Naduea ro benditado nga tubi,
Naduea man do mga kiti-kiti.
Bakit Si Xela Ay Nagdighay Pagkatapos Mag-inom Ng Coke?
Kanila lang
Puno ng pawis ang tansan
na nagyakap sa bibig ng Coke.
Naghalakhak ang tansan
na gin-aywanan ang bibig ng Coke.
Nagtambad ang kalawang
sa ilalim ng bibig ng Coke.
Gin-inom ni Xela ang Coke.
Si Xela ay nagdighay
pagkatapos mag-inom ng Coke
dahil gusto ng tansan na maulit
ang tunog ng kanyang halakhak
sa paglaho
ng kalawang
sa ilalim ng bibig ng Coke.
Ham-an Si Humay, Nga Sangka Ati, Hay Maitum
Sa paeaabuton nga Ati-ati
hay magadam-os it buling
do mga turista ag mga bukon it Ati
(kon siin manging kaibahan ni Humay sanda
sa pagsaot sa karsada
ag pagsininggit it "Hala Bira!"
ag indi
masiguro
kon do bitbit nga Caltex nga sueodlan
hay mapuno it ginapangayo nga humay
bag-o mag-Ati-ati.
Kon Gapamati Eang Baea Kita
Kon gapamati eang baea kita
Sa mga maya ag bukaw,
Magaantiguhan baea kita
Nga mag-eupad sa atong pagbugtaw?
***
Tatlo nga ka Text-Tula parte sa Bagyo ag Baha
(Haead kay Bagyong Frank, 2008)
ni Alexander dela Cruz de Juan
(1) Nene, di eon dapat kita mahadlok magkatueog sa kadueom.
Nagsubeak eon ro ugsad, ro bilog nga buean,
ag maskin ginadueman gihapon kita
it sangkiring habilin nga eutay ag tapo-tapo,
ag wa gihapo’t iwag ro ibang kasimaryo,
mataeupangdan ta man lang
ro kaayad-ayad it kahayag ku buean
sa tunga it kaduemanan.
Sent: 11:11 pm
17-JUL-08
(2) Toto, pwede eon kita magkatueog it hamuok
bangud nakaeampuwas eon gid man kita sa bagyo ag baha,
pagkatapos nga makatagumpaaw.
Pagbugtaw ta, hiyom-hiyoman it kaea-kaea ku adlaw
ro eanas nga pinatambok it eutay
kon siin gaamat-amat it tubo
ro bag-ong tanom nga binhi it paeay.
Sent: 10:10 pm
18-JUL-08
(3) Inday, gaamat-amat eon ro adlaw sa anang pagsipeat
para abi-abihon ro mga bag-ong tubong dahon
it mga nabaling sanga ku bagyo,
nga mas matingkad pa ra kolor
sa mga eaging kadahonan.
Ag sa pagbutlak ku adlaw,
tamyawon man nana
ro mga bag-ong tubong bueak
nga mas matingkad man
kumpara sa mga eaging kabueakan.
***
Pagkatapos it Baha
(Sangka Binaeaybay hanungod sa Bagyong Frank)
Pagkatapos it baha,
pagkatapos it pagkatueog nga may eunang ro siki,
nagbugtaw kita para magdesisyon
kon ano ro dapat husgahan it eutay:
gin-usoy gid naton ro inanod nga diploma
nga hatambakan it mga resibo, billing ag iba pa
ag ginhugasan ra, ginbuead ag gin-display it uman
sa hapay nga dingding,
it hapay nga haligi,
it hapay nga baeay.
Nagtimpla rayon it kape gamit ro mabahaw eon nga tubi,
nagtug-on gamit ro basa nga uling,
nag-abre it de-lata nga wa nagpadaog sa sueog
ag kumaon kaibahan ro pamilya
nga wa ma’t a nagbaeag-o ro mga itsura.
Ginbasyahan ro saeog para padayon kitang makatindog
ag gin-oe-istoryahan ro kapitbaeay
nga nagpagamit it anang bomba,
ag nangawa kita nga wa ma’t a nagbag-o ro anang itsura,
ag dayon mataeupangdan naton
nga wa gid ma’t a’t abung nagbag-o,
ro Kalibo hay nagpabiling Kalibo,
bangud...
Pagguwa it baeay,
para libuton ro atong dating kalibutan,
ginpasakay ma’t a gihapon kita it traysikol
nga nagdesisyong magbyahe
para may masakyan
ro mga suking gabaktas eon lang.
Pagguwa it baeay,
ginbaligyaan ma’t a gihapon kita
it suking baraka
maskin basa ra baligya ag kabakeanan.
Pagguwa it baeay,
ginmueo ma’t a gihapon kita
it atong amigong gatrabaho sa Akelco
nga naghangae pa ngani
nga buhi pa man kuno imaw,
ag maskin tinumba ro saysentos nga poste it bagyo,
sa gihapon, may Akelco;
owa’t poste pero may Akelco.
Pagguwa it baeay,
nakita naton si Kapitan
sa ana ma’t a gihapong dating itsura
ag ginmueo ma’t a gihapon nana kita.
Pagguwa it baeay,
nakita naton ro MMDA,
nga maw ma’t a gihapon ro itsura sa T.V.
Pagguwa it baeay,
nakita naton ro atong mga kaigkampuran,
nga maw ma’t a gihapon ro itsura,
ag sanda ra hay ginpaistar sa mataas nga building
it sangka manggaranong bukon naton it kaalin-alin,
ag sanda tanan, pobre ag pwerte, hay nagpamati it dungan
sa dati ma’t a gihapong boses it Bombo ag DYKR,
ag ro mga radyo ngara
hay nagpadayon ma’t a gihapon sa pag-istorya
sa kabuhi naton
kon siin kita ro bida
nga nagpabiling madinaeag-on.
—Binaeaybay ni Alexander dela Cruz de Juan
Hunyo 23, 2008
***
Pageugos (Rape)
[Tula ni Joi Barrios ("Gahasa"), salin sa Aklanon ni Alexander de Juan)
Ipaguwa ro mga ebidensya.
Eksibit Numero Uno:
Siyaw, baril, o anumang armas,
pamatuod it pagpahog.
Eksibit Numero Dos:
Panty nga may mansta,
pamatuod nga virgin pa ro daeaga.
Eksibit Numero Tres:
Sertipikasyon it doktor, pamatuod nga:
a. pilit,
b. said,
ro pagsueod it ana ku eaki.
Eksibit Numero Kwatro:
Sertipikasyon it mayad nga pamatasan,
pamatuod nga bukon it puta.
Daeha sa korte ro rapist,
daeha sa korte ro gin-reyp,
umpisahan ro pagreyp.
***
Ako ang Presidente ng Aking Sarili
Inay,
di po ba’t sabi n’yo ako’ng pangulo ng sarili ko
pero bakit po sila may Edsa Tres at Kwatro?
Inay,
kung ang pangulo ng bahay
ay ang mabait kong tatay
(dahil ’pag sumigaw ako
ng “Ito ang gusto ko!”
sagot n’ya’y “Isipin mo
ang mga kapatid mo.”)
kailangan pa ba natin ang Pangulo ng Pilipinas?
Inay,
kung ang presidente ng dyip
ay ang drayber na mabait
(dahil ’pag sumigaw ako
ng “Para! Para! Para!”
ay sasagot siya,
“Sa tabi lang po, ha.”)
kailangan pa ba natin ang Presidente ng Pilipinas?
Inay,
kung ako ang presidente ng aking sarili
ba’t pangarap po nilang mag-Edsa Bente-Syete?
—Alexander dela Cruz de Juan
Mayo 2006
Pobreng Patay
Kailan pa kaya ako mamamatay
nang may makain ulit kami?
Kasi nung ma-gang-rape si Ate
habang nagtitinda ng sampagita,
tatlong linggo kaming busog
dahil tatlong linggo rin ang lamay.
Bukod sa malakas ang kita sa abuloy,
malakas rin ang kita ng tong
sa Lucky 9, tong-its at mahjong.
Nabayaran ni Nanay ang utang sa tindahan.
Napaawit si Tatay sa gabi-gabing tagay.
Nakamtan ng anim kong kapatid ang mga pinapangarap na biskwet.
Nag-enjoy ang barangay sa kapeng walang humpay.
Pero dahil mag-iisang taon nang patay si Ate,
lahat na yata kami ay mamamatay na sa gutom.
Pero di bale,
hihigitan ko pa ang kay Ate’ng naibentang mga sampagita
nang ako’y makaipon ng pambili ng sariling kabaong
at nang may makain ulit kami sa makokolektang tong.
—Alexander dela Cruz de Juan
Agosto 2000
Pobreng Kidney
Isang sakong bigas, isang bayong na asin,
isang kartong Lucky Me, at isang sakong daing—
pasalubong ni Daddy matapos ipagbili
sa presyong singkwenta mil ang kanyang isang kidney.
Yeheey! O Lord! Sa wakas!
Kakain na rin kami!
Kaya’t
dinamihan ko ang kain
ng natural naming pagkain—
kanin at asin.
At mamayang hapunan
ay dadamihan ko rin ang kain
ng epesyal naming pagkain—
kanin at daing.
At bukas sa almusal-pananghalian
ay dadamihan ko rin ang kain
ng pampyesta naming pagkain—
Lucky Me’t kanin.
Nang ako’y mabilis tumubo’t lumaki
at maibenta rin ang isa kong kidney—
Para masigurong ang anim kong utol,
pati na si Mommy, si Lola’t si Baby
ay makakanguyang hindi kukulangin
sa kanin, sa daing, sa Lucky Me’t asin.
—Alexander dela Cruz de Juan
Agosto 2000
***
Biyaheng Sidecar
(Alay sa sidecar boys sa Kalye Estrada, Malate)
Bumiyahe nang konting bagahe;
t-shirt at short ay okey na sa magaang pamamasada.
Tig-isang padyak lang; paa ay dalawa lamang.
Di naman ’to pabilisan kundi papursigihan.
Magpahinga rin paminsan-minsan
nang luminaw ang desisyon sa direksyong pupuntahan.
At di ka naglalakbay nang mag-isa;
may pasahero kang kasama.
Lubak-lubak man ang kalsada
ikaw naman ang gumagawa ng sarili mong daan.
At sa unahan, may magandang pasaherong nag-aabang,
kaya’t ’wag kang tumigil, pumadyak ka lang.
—Alexander dela Cruz de Juan
Mayo 2006
***
Ang Kahapong Ililimbag ng DLSU Press
(Ang tono ng komposong ito ay katulad ng “Pana-panahon” ni Noel Cabangon)
UNANG KORO: Pana-panahon ang pagkakataon,
sino bang lilimbag ng kahapon?
Lumilipas ang panahon
sa loob ng ating tanggapan;
ang mga puno’t tauhan
bakit kailangang lumisan?
IKALAWANG KORO: Pana-panahon mga resignasyon,
maibabalik ba ang kaunyon?
Lumilipas ang panahon
sa labas ng ating tanggapan;
ang mga puno’t halaman
bakit may katahimikan?
(Ulitin ang Unang Koro)
Lumilipas ang panahon
pero di tayo tumatanda;
ang mga puno’t tauhan
kapwa ba sila manggagawa?
(Ulitin ang Ikalawang Koro)
Lumilipas ang panahon
pero wala tayong nagagawa;
nauubos ang tinta
sa bulungan, sigawan, balita.
IKATLONG KORO: Pana-panahon ang pagkakataon,
tayo bang maylikha ng kahapon?
May paglipas din ang panahon
ng mga puno’t tauhan;
atin na bang nalimutan
trabahong dapat gampanan?
(Ulitin ang Ikatlong Koro)
—Alexander dela Cruz de Juan
Hulyo 2003
***
Tatlong Tula para sa mga Manggagawa ng Spy (2006)Share
Today at 12:37am
[Ni Alexander de Juan]
Panalangin ng Spy Employees
::
CEO namin, sumasalangit ka, sambahin ang memo mo
dito sa Pinas, para nang sa US.
Bigyan n'yo muna kami ng increase
nang may makain kami araw-araw
bago kayo bumili ng bagong kompanya sa US.
At patawarin n'yo kami kung kami ngayo'y nagkakasala,
gaya ng pagpapatawad namin sa ka-officemates namin
na may utang na sa amin.
At ilayo n'yo kami sa tukso
na lumipat sa kompanyang mas malaki ang sweldo.
At iadya n'yo kami sa lahat ng kapitalista.
Amen.
O, San Lorenzo Ruiz, pautangin n'yo kami.
O, ARF*, patnubayan n'yo kami.
— Alexander dela Cruz de Juan
Setyembre 15, 2006
(*Si ARF ang founder ng Spy.)
__________________________
Sampung Utos para sa Spy Employees
1. Ibigin mo ang Spy nang higit sa lahat
dahil ang sweldo rito ay higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa iba pang kompanya.
Kung ayaw mo na rito ay umalis ka at maraming nakapila.
3. Ipangiling mo ang araw ng Sabbath,
kaya't pumasok ka pa rin at mag-OT
dahil ang sweldo sa Spy ay higit sa lahat.
4. Igalang mo ang iyong amo't ama.
Nakatagal nga sila, ikaw pa?
5. Huwag kang papatay
pero pwede kang magpakamatay
sa araw-araw na OT.
Kung kaya mo ang double shift,
makakaya mo rin ang triple shift
dahil ang sweldo sa Spy ay higit sa lahat.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo kompanya.
Ibigay sa Spy ang sarili mo nang buong-buo
kahit ang Spy ay nagbibigay ng sweldong di-makabuo.
7. Huwag kang magnanakaw.
Dahil di ka nga makabuo at wala nang pera,
sagarin lang ang gift check, grocery at chit
at kumain ng dalawang beses sa isang araw.
8. Huwag kang magsisinungaling
na wala kang kinikita.
Sila lang ang pwedeng magsinungaling
na wala tayong kinikita.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
Makuntento ka na sa sweldo mong syete
at pagiging habambuhay na project employee.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo kompanya.
Manatiling tapat sa Spy hanggang sa mamatay.
— Alexander dela Cruz de Juan
Setyembre 19, 2006
__________________________
Tula ni ARF* para kay ELC*
Mahal kong ELC,
bago ako namatay,
sinabi ko sa'yo,
mahalin mo ang mga empleyado
gaya ng pagmamahal ko sa kanila.
Bakit ngayon,
nang ikaw na ang namumuno ng Spy,
ay hindi mo pinalalasap sa mga empleyado
ang naranasan mong kasaganaan
noong panahon ko?
Naranasan mo, ELC,
ang pagmamahal ko sa inyo noon,
sa lahat ng empleyado.
Naranasan mo
na ikaw at ang mga empleyado
ang pinakasentro ko noon,
ang tinuturing kong greatest resource.
Hindi ko kasi noon iniisip ang Spy bilang isang negosyo,
kundi bilang isang pamilya,
at ang mga empleyado ay mga anak ko.
Ngayon, business na talaga ang Spy
at hindi na isinasaalang-alang ang empleyado
bilang sentro at puso ng kompanya.
Noon, kung ano ang kinikita ng Spy,
ibinibigay ko sa empleyado.
Kung tatas ang dolyar,
tataas rin ang sweldo ng empleyado.
Buhay na buhay noon ang profit sharing.
Ang mga empleyado'y masaya, parang isang pamilya.
O, mahal kong ELC,
mahalin mo ang mga empleyado ngayon
tulad ng pagmamahal ko sa'yo noon.
Nagmamahal,
ARF
— Alexander dela Cruz de Juan
Setyembre 22, 2006
(*Si ARF ang founder ng Spy.)
(*Si ELC ang CEO ng Spy, 2006.)