Melchor Cichon
Some people say that when they reach 65 years old, it's time to retire. It's time to free oneself from the 8 to 12; 1 to 5 schedule. It's time to go around and smell the flowers. It's time to enjoy the remaining golden days , months or years. It's time to be with your children and grandchildren. It's time to relax. And relax more.
Not me!
I want not only to stop and smell the flowers. I go around and find some plants that provide me fragrant smell. I raise chickens and fishes that provide me pleasure after work. I spend much time to write and write after an office work.
The age 65 is not the end of the line.
It is just a beginning of another line!
Someone said, if you enjoy your work, you are not workiing. You are playing!
And that makes all the difference!
****************
Angelo Ancheta
Pagkakataon
Mapait ang kamatayan. Mas mapait pa sa ampalaya. Kapatid ito ng kabiguan. Panandaliang humihinto ang lahat kapag natagpuan mong kaharap mo na ito.
May biglaan, hindi-inaasahan at mayroon ding inaasahan na at itinakda ng agham. Sa kabila nito, may paulit-ulit na aral ang nakaakibat sa karanasan. May simula at may wakas ang lahat.
May panahon para sa lahat. May hangganan ang lahat. May mga bagay na umiikot, umaandar sa sirkulo tulad ng krisis, ng takbo ng panahon, ng tag-ulan at tag-init, o ang pagsikat at paglubog ng araw, o ang pag-iiba ng mukha ng buwan. Gumugulong sa sikulo, sikulong sumusunod sa batas ng uniberso.
Ginto ang pagkakataon. Mapalad ang nakakatuklas ng kaniyang halaga sa tamang panahon
*****************
Melchor Cichon
Maraming salamat Angelo sa sanaysay mo. Sana marami pang ganito ang mababasa natin.
*************
Angelo Ancheta
Bayanihan Sa Posohan (malayang pagsusulat)
Angelo B. Ancheta
Simple lang ang bayanihan sa amin. Limitado ito sa looban na kung saan kami nakatira noong bata pa ako. Ang numero ng aming tirahan nakadikit na "Int" (para sa Interior) sa isang maliit na kanto sa lungsod ng Pasay bago kami lumipat sa lalawigan ng Rizal sa kalagitnaan ng aking pag-aaral sa mataas na paaralan. Sa loobang ito ay may pinagsasaluhan kaming "poso" na siyang pinagkukunan namin ng tubig panghugas, pangligo at kung saan-saan pa. Mga limang mag-anak ang nakatira sa aming looban at araw-araw, umaga, tanghali o gabi ay kailangang pumila upang sumalok ng tubig mula sa poso.
Hindi maiiwasan na naguumpukan sa posohan at bilang mga Pilipino habang nakatayo at naghihintay ng kanyang "turn" para sumalok ng tubig ay kaugaliang magkwentuhan, magtsismisan, magbangayan ng kung anu-anong paksa sa ilalim ng araw, ng buwan o sa ilalim ng lona at payong pag tag-ulan dahil kailangan ang tubig lumindol o bumaha man. Sa posohan nagaganap din ang pagpapalitan ng kuru-kuro at mga suliranin personal o politikal.
Bilang mga bata sa looban ay madalas nasisira namin ang poso. Nababali yong bakal na hawakan (bar) o kaya yong goma sa loob. Natural na nagsisihan at lalabas ang isa sa matandang kapitbahay namin at sesermonan kami dahil sa nangyari. Syempre, apektado siya dahil sa walang pagkukunan ng tubig. Bilang magkakapitbahay doon na lalabas ang mga nakatatanda mula iba't ibang bahay para pag-usapan kung ano ang nangyari sa poso. Sisipatin kung mareremedyohan pa at dahil importante nga na maayos agad ay walang pakundangan bubusisiin at kakalkalin yong loob ng poso. Hindi magtatagal ay maayos din. Ang problema lang at madalas na inaabot ng tagal ay kung may kailangang palitan at bilhin na nasirang materyal at ito'y nangangailangan ng pinansyal na ambag mula sa bawat pamilya. Pagkatapos maayos na ang lahat ay sesermonan kaming mga bata kahit na alam namin kung sino ang nakasira. Minsan walang lumalabas na tubig at matutuklasan na talagang mababa lang ang lebel ng tubig. Ang solusyon na natutunan ay buhusan muna iyong loob ng poso para umangat angat ng konti at hindi mahirapan ang poso na mag-angat ng tubig habang inaangat ang hawakan.
Ang nakakatuwa sa posohan ay panoorin ang bawat isa kung paano bumomba ng poso. Syempre iba iba. Si Aling Nena (di totoong pangalan) na mga lampas 50 ay may estilo pang pagbayo niya pababa ay itataas ang paa na parang nagsasayaw siya. Mayroon naman si Manong na payabang na nakapamewang pa at isang kamay lang ang ginagamit para ipakita na sisiw ang pagbabayo. Iyong iba na may katabaan ay ginagawang ehersisyo ang pagpoposo. Sinu ba naman ang indi papayat sa pagpupuno ng "drum" na kinakailangang punuin ng ilang timba? Kami ay nagsasalok ng sapat lang para sa pangligo at panghugas dahil mga maliliit na "container" lang ang mayroon kami. Wala kaming gripo sa loob ng bahay. Wala ring NAWASA pa noon sa lugar namin. Hindi maiiwasan na may ligawang nagaganap din sa pagsapit ng gabi mga bandang alas diyes kung kung kelan kanya kanya nang nanonood ng telebisyon ang mga kapitbahay. Maliliit lang ang bahay sa aming looban at malalaman mo kung ano ang pinapanood dahil kitang kita mula sa bintana. Ganon kalaki ang tiwala ng magkakapitbahay sa amin noon. Walang nakawan o inggitan.
Dahil hindi masarap ang lasa ng tubig na nagmumula sa poso (deep well) ay dumarayo pa kami sa malayong lugar at bumibili kami ng NAWASA. Minsan sinubukan naming inumin dala ng mga panahong tag-ulan. Hayun nagsisakitan ang mga tiyan, nagkasakit, nagkadiarrhea. Kaya natrauma na ang lahat na uminom ng tubig sa poso.
Lumipas din ang panahon. Lumipat na kami ng tirahan. Ang huling nabalitaan ko kahit nilumot na ang posohan dahil laging basa ang kongkretong sahig nito ay ginagamit pa rin. Matipid nga naman kaysa sa binabayarang tubig. Ngunit madalang na ang "bayanihan" dahil umunlad na rin. At tiyak ko sa halip na nagkwekwentuhan sila sa posohan at sa Facebook na lang nila dinadaan.
***********
Angelo Ancheta walang anuman nong. sana nga po ay magkaroon ng totoong kapangyarihan ang panitikan di lamang bilang kathang-isip o para sa guni-guni lang.