Search This Blog

Wednesday, July 04, 2007

Translation

The poem below was written by Lorenzo Cristobal which I translated into Filipino.

Ang pumaparito, umaalis at ang maiiwang mga resposibilidad
Ni Lorenzo Cristobal
Sinalin sa Filipino ni Melchor F. Cichon
July 4, 2007

Gising ang lahat na kasama
Ng aming pamilya
Hating gabi na kasi noon
At nalilito ang tatay ko

Noon ang nanay ko’y
Nagsisimulang nagpapasakit
Ang panahon daw ay walang awa
Ang malakas na ulan nagpapakita ng init

Agad humingi si Tatay ng tulong
Sa mga kabahayang hindi naman kalayuan
Ngunit ang panahon ay tila naglalaro
Hindi malaman kung ano ang dahilan.

Kasama ko ang kapatid ko
Sa harap ng alter, kami’y nakaluhod
At walang humpay ang pagdarasal
Na ang pamilya ay sa disgrasya’y mapalayo

Ang nanay ko ngayo’y umiiyak
Kasama ang paglakas ng ulan
Ang malakas na kdilat ay parang sigaw
Nagpapanginig ng aking kalamnan

Naragdagan ang takot ko
Sa palaging pagtaas ng tubig-baha
Na kung minsan ay nakaka-abot
Sa aming bahay na malapit sa ilog

Maala-ala ko pa noong una
Ang ilog ay malalim at malapad pa
Ngayon akoy malaki na
Malaki rin ang pagbabago ang nangyari sa kanya

Ngayon hindi ka na makuha
O kaya’y makakabingwit ng mga isda
Noo’y maraming nalulunod
Ngayon hindi ka na makakahilamos

Nawala na ang kanyang kagandahan
Na makapagbigay ng isang ngiti
Ngayon ang tabi ng ilog ay puro basura
Ang mga tao’y tila walang paki-alam.

At ano ‘yong sa unahan
Kundi kabundukan at mga kabukirna
Kasama ng mga kahoy na nawala
Ang malaking pagbabago ng ilog.

Ngayon dumating na si Tatay
Kasama ang isang platera
At handing tumulong kay Nanay
Ito na ang bagong kasama ng pamilya.

Dumoble ang paglakas ng ulan
Ang tubig-baha ay lang sa unahan
Malapit sa aming pintuan
At parang hindi na mapigilan.

Mahigit [a sa kidlat ang sigaw
Ng aking Nanay na nagpapasakit
Nariyan sa dabi niya ang aking ama
Na sumumpa na kasama sa kaligayahan.

Malapit na lang naming matapos
Ang napakatahimik naming panalangin
Ang mga salitang nanggaling sa dibdib
Ngayon ang kaba ay hindi na masyado

Ang panalangin kung minsa
Malaki ang tulong kung kasama ang pagkaisa
Ang sobrang sakit ay naiiwasan
At ang kabutihan natin ay makamtan

Unti-unting humihina ang ulan
Ang ina ko’y hindi na masyadong nahihirapan
At halos sabay sa pagkawala ng ulan
Ang pag-iyak n gaming bunso

Ang bagong araw ay narito at pumunta
Siya’y isang ilaw na dumating
At ako’y nabigla sa mga pagbabago
Ang napansin sa kapaligiran ko.

Nawala ang mga basura
Tinangay sila ng tubiog-baha
Ngunit unti-unti ring nawawala
Ang malapad na tubig sa ilog

At habang kami’y nagsasaya
Sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya
Doon sa unahan may tatlong namatay
Nalunod sa galit sa baha.

Hindi ba’t kung mayroong lumisan
May dumarating at siya’y pinapalitan
Ang maliit na puwang ditto sa daigdig
Ng nawala nating kaibigan.

Ngunit ang kapatid ko’y is lang
At tatlo ang lumisan
Bakit siya ang magbabalikat
Ng tatlong responsibilidad na iniwan?

Totoo ang sinasabi nila
Na ang huling tubo ang magdadala
Ng mga pagdurusa ng sandaigdigan
Na ginawa ng mga matatanda.

Ngayon ang tanong ko kaibigan
Hindi mo ba talaga nararamdaman
At hindi mo rin naririnig
Ang mahinang sigaw ng kalikasan?