Search This Blog

Saturday, February 06, 2010

Poems of Angelo Ancheta

Minsan sa Pag-ibig

Minsang kinalas ang kadena
Sa unang pagkakataong pumintig
Ang pusong nahihimbing

Higit pa sa isang tasang kape
Ang enerhiyang dumaloy sa akin
Sa umagang aabangan ka pagdating ng alas siyete
Sabay nating binubuksan ang gate

Minsan nagsabay nagulat ka ng nagkasabay
Tayo sa pagbukas at pagtinging inakala natin
Nagkamali lang ako, sa iyong pagkagulat
Hinablot mo ang iyong kamay sabay hawi

Ngunit itinakda na tayo'y maging seatmate
Para sa iyo nagkataon lang, pero sa akin
Nang napuwing ako ng isang hibla ng iyong
Napakalambot na buhok, doon ko nalaman
Na isa itong katuparan

Ikinagulat kong nalaman mo sa iba
Ang lihim kong di ko napigilang ihayag
Napangunahan ako ng pakpak ng balita
At ito'y ikinasama, sapagkat hindi
Mo panahon ang panahon ko

Nalunod ako sa labis na pagkabigla
Sa biglaan mong paglisan
At ito ang nagsimula ng pagkamulat
May hinanap kang hindi ko naalintana

Naging maaga ba ang lahat
Nang mapagtanto mong naglalaro lang tayo?